Saan nga ba Pumupunta ang mga Yumaong Mahal Natin sa Buhay?

Ni: Maegan Gonazales

Multo – marami na akong narinig na mga kuwento tungkol sa kanila. Mga kaluluwa raw sila ng mga namatay na, at ang ilang mga nakakasalamuha daw natin sa araw-araw. Mayroong nagsabi na sa bawat 200 na taong nakikita natin sa bawat araw, 2 sa kanila ay mga multo. Totoo nga bang may multo at ang mga namatay nang tao ay hindi umaalis sa mundong ito, at nakakasama pa rin natin sila? Posible nga naman ito. Sa tingin ko, may tatlong posibilidad kung saan pumupunta ang mga kaluluwa ng mga yumao na. Pwedeng mapunta sila sa langit o impyerno, manatili sa lupa, o kaya naman ay malipat sa ibang katawan.

Ang mga Katoliko ay naniniwala sa langit at impyerno. Kapag namatay daw ang isang tao, maaari siyang mapunta sa langit kapag gumagawa siya ng kabutihan noong nabubuhay pa siya. Ngunit kung namuhay siya nang masama, mapupunta ang kaluluwa niya ay mapupunta sa impyerno. Ang Diyos ang huhusga kung saan pupunta ang kanyang kaluluwa, at susuriin daw ang buong buhay ng isang tao. Sa pagsusuring ito, makikita ang lahat ng mga nagawang kabutihan at kasamaan ng isang tao noong nabubuhay pa siya, saka magdedesisyon ang Diyos..

May posibilidad ding hindi mapunta sa langit o impyerno ang kaluluwa, kundi manatili sa lupa. Sa pagkamatay ng isang tao, maaaring mawala na ang katawan nito pero buhay pa rin ang espirito. Kung mananatili ang kaluluwa sa lupa, pwedeng magmasid lang at manood siya sa mga nabubuhay pang tao. Pwede rin naman silang maging anito na tagabantay sa kalikasan. Kung may gusto pa silang gawin na naudlot dahil sa kanilang pagkamatay, pwede siguro nila itong magawa.

Ang hindi pagkamatay ng kaluluwa ay pwede ring magpahiwatig ng posibilidad ng mga susunod na buhay o reinkarnasyon. Ang espirito ay pwedeng malipat sa ibang katawan o anyo, at mabubuhay siya sa katawang iyon hanggang sa susunod na buhay. Kung mabuting tao siya noong nabubuhay pa, pwedeng ang susunod na buhay nito ay isa ring tao o isang mataas na uri ng nilalang. Kung siya ay masama, sa mababang uri ng nilalang siya maililipat. Mayroon akong narinig na ang mga balat o birthmark daw ay palatandaan sa kung paano namatay ang isang tao sa nakaraang buhay nito.

Madami pang posibilidad kung saan pumupunta ang mga kaluluwa ng mga tao kapag namatay na tayo. Maaaring mapunta sa langit, sa lupa o sa impyerno; pwede rin namang nawawala na lang ang mga ito. Hindi natin sigurado kung ano nga ba ang mangyayari sa atin kapag namatay na tayo, pero alam natin na habang tayo’y nabubuhay dapat maging mabubuting tao tayo, may epekto man ito o wala sa kung ano ang mangyayari sa atin sa ating patutunguhan pagkamatay.

SALIN:

WHERE DO OUR LOVED ONES GO WHEN THEY DIE?

Ghosts – I have heard of so many stories about ghosts and encounters with them. They are said to be spirits of people who have already died and we still interact with them every day. Someone said that for every 200 people we see every day, 2 of them are ghosts. Do ghosts really exist, and do spirits of the dead stay on Earth? Are we actually existing side-by-side with them? I think it is possible. In my opinion, there are three possibilities as to where the spirits of the dead go. They may go to heaven or hell, stay on Earth, or they can exist in another body or form.

Catholics believe in heaven and hell. According to them, when a person dies, he/she may go to heaven if he/she was a good person when he/she was still alive. Otherwise, he/she will go to hell. God will be the one to judge whether a person goes to heaven or hell, and He will review a person’s whole life. In this review, every detail of the person’s life will be seen – every good and bad thing done – and God will make a decision from there.

A person’s spirit may not go to heaven or hell, but stay on Earth instead. When a person dies, the body may decay but the soul may live on. If the soul stays on Earth, it may just exist and watch while the people left behind continue on with their lives. The soul may also become deities or protectors of nature. And if ever a person wanted to do something but was not able to do so because of death, the soul may finish it instead.

A living soul may also imply the possibility of having a next life or reincarnation. The spirit may move to other bodies or forms, and live in that body until the next cycle. If the person was good when he/she was still alive, then he/she will be a high form of being in his/her next life. If he/she was bad, then his/her soul would be transferred onto a low form of being. I heard that birthmarks are clues on how the person died in his/her past life.

There are a whole lot of possibilities when thinking about where dead people’s souls go. They may go to heaven or hell, or stay on Earth; they may also just completely disappear. We are not certain about what really goes on after our death, but we are certain that we have to be good people, regardless of whether it affects what happens to us after death.

inedit ni Denise Motus

Mag-iwan ng puna